Once an iska, always an iska

Panahon na naman ng UPCAT, ibig sabihin, ANGTANDA KO NA, MEHN!

So habang trending ang #rejectedupcatessayquestions sa Twitter at binabaha ng UP-related posts and Facebook news feed ko, napansin ko itong Bakit UP video na pinagpipiyestahan ng mga kaibigan ko, na gaya ko, ay nalampasan at napagtagumpayan ang buhay UP.

This video triggered a lot of memories –the best and the worst I’ve had.  At narealise kong meron akong ilang phases as an iska, phases na hindi natapos when I earned my degree. Eto ang buhay ko nung pinangarap kong mag UP, at nung nakapasok na ako sa UP:

I. Dear God, sana pumasa ako ng UPCAT.

II. Pagkatapos ng exam: Nalunod sa self-pity —naghanap ng ibang options dahil siguradong hindi papasa ng UPCAT –right minus wrong daw sabi ng proctor e. Pakshet.

III. Pumasa ng UPCAT, na-boost ang self-esteem dahil sa pagpasa, at excited maging freshie. Iskolar ng bayaaaaan!

IV. Feeling ko antanga tanga ko. Pakipulot ng self-esteem ko, please.

V.  Bakit nga ba ako nag UP? Bakiiiiit???! // Sagot ng nanay ko habang umiiyak ako: GUSTO MO YAN, PANINDIGAN MO. Me: KFINE!

VI. I-will-graduate-on-time-no-matter-how-long-it-takes phase. Lord, sana maka graduate na ako. Gusto ko na magtrabaho. Naloloka nako ditey!

VII. Yeeeeeeeeeey! Naka graduate din. Pwede na magpapicture kay Oble!!!!! (Ayokong i-explain, go figure it out yourself!) Real world, here I come!

VIII. Nagtatrabaho na, naloloka parin. Pwede bang bumalik ng UP? Gusto kong mag- MA, PHD, etc etc. TAKE ME BAAAAAAAAAAAAAACK, UP!

Gaano man kahirap ang buhay UP —natuto akong mabuhay sa fishballs at buko juice, maglakad ng milya-milya (okay, OA, I know) from one class to another, uminom ng beer na mainit sa Sarah’s, magjogging sa acad oval pag nadedepress at makipag high-five kay Zorro, pumasok sa klaseng may hangover o intoxicated (fine, tipsy), makatanggap ng kwatro sa Journ papers, pumasok ng walang-tulog-walang-ligo look dahil sa press work — hinding hindi ko yun ipagpapalit.

Kaya sa mga magiging bagong isko at iska, create your own memories. Huwag matakot magkamali, mapahiya, magmukhang tanga, magmahal at ma-heartbroken. Basta at the end of the day, natuto ka, bumangon ka at KEBS! (Tandaan, ang lagi lang matitira sayo ng mga kaibigang hindi taga-UP ay ang pagiging olats natin sa basketball. Well, lagi talagang tayong talo sa UAAP Men’s basketball, pero go cheer lang ng cheer! Ang importante, lumalaban! Saka, banatan mo nalang tungkol sa cheerdance!)

Tama ang sinabi ng isang professor sa video —sa UP mo mahahanap ang iyong sarili. Pero yung kulang sa sinabi niya –mahahanap mo ang iyong sarili THE HARD WAY. Nasasayo nalang kung mahahanap mo yung FUN along the way. Basta ako, nahanap ko. At kasabay ng pagkahanap ko sa sarili ko, nakahanap rin ako ng mga becky at ka-wavelength na mga kaibigan. <3 It was worth it!

Good luck!
-H

Leave a Reply